Pinangunahan ni Mayor Alice ang mass oath taking ceremony noong Nobyembre 30 para sa mga bagong halal na opisyal ng barangay saktong isang buwan makalipas ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Pinangasiwaan ng alkalde ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na barangay officials mula sa 33 barangays ng San Nicolas na ginanap sa Municipal Auditorium.

“Ang mga tao ay nangangailangan ng isang pampublikong opisyal na tapat at dedikado sa serbisyo. Suportahan at tulungan natin ang bawat isa sa pagpapatupad ng mga solusyon sa hinaharap at haharaping mga problema ng ating bayan. Ibigay natin ang mabuti at tapat na pagmamahal sa lahat ng San Nicolanians,” saad ni Mayor Alice.

Dagdag pa ng alkalde, habang sila ay nananatiling matatag sa kanilang misyon na panatilihin ang mabuting pamamahala sa bayan, umaasa sila sa mga bagong halal na opisyal. Sa panunumpa na ito, pinagtitibay nila ang kanilang dedikasyon sa paggawa ng pagbabago sa bayang ito. Marami aniya silang responsibilidad na dapat gampanan.

Dumalo sa okasyong ito sina Vice Mayor Alvin Bravo at buong Sangguniang Bayan Members, ABC President Jason Ramirez, at Municipal Local Government Operations Officer Jeoy Agustin.

#MassOathTaking#NewlyElectedBarangayOfficials#LigaNgMgaBarangay#Congratulations#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon