Upang makamit ang makabuluhan at napapanatiling mga layunin sa pag-unlad ng turismo sa bayan, nilibot ni Mayor Alice ang Agpay Eco Tourism Park kasama ang kaniyang team upang pag-usapan ang mga isasagawang developments at activities sa nasabing tourist destination.

Lubhang kawili-wili at mabunga ang pagpapalitan ng mga ideya dahil katuwang ng alkalde sa pagpaplano sina Engr. Flores, MENRO Eddie Mateo, MAO Engr. Cristopher Serquina, Tourism Office sa pangunguna ni Gerald Paragas, landscape artist Jeffrey Aquino, at iba pang mga kawani ng lokal na pamahalaan.

β€œOngoing ang pagpapagawa ng pathways, benches, at tables upang mas maging accessible at comfortable ang mga turista. Sa loob ng 2 buwan, ready for harvest na rin ang mga hito and tilapia. Naglalagay din tayo ng label sa mga puno. Kasama rin sa napag-usapan ang itatayong cafeteria na bahagi ng 2024 development natin,” masayang ibinahagi ni Mayor Alice.

Ibinalita rin ng alkalde na sa Agpay na isasagawa ang Kasalang Bayan 2024 kung kaya’t mas magiging kapana-panabik pa ang mga kaganapan sa lugar ngayong taon.

#TourismPlanning#TwoHeadsAreBetterThanOne#FurtherDevelopmentsAndActivities#AgpayEcoTourismPark#SeePangasinan#LoveThePhilippines#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon