Ang runaway hit na How To Make Millions Before Grandma Dies na isang Thai na pelikula ay ang numero unong pelikula sa buong Southeast Asia, na sumira sa box office records sa Thailand, Indonesia, at Singapore. Napapanood na rin ito sa Pilipinas ngayon at talagang pinipilahan ng madlang pipol.

Nagkaroon din ito ng viral TikTok trend mula sa mga kabataan na nagbabahagi ng mga video ng kanilang namumugtong mga mata pagkatapos panoorin ang pelikula. Sa katunayan, namamahagi na ang ibang mga sinehan ng libreng tissue bago pa man pumasok at panoorin ito.

Ang pelikula ay umikot sa malabong relasyon na bumuo sa pangunahing bahagi ng kuwento: Ang isang binata nagbabago araw-araw bilang isang mapagmahal na tagapag-alaga na sa simula ay nagpapanggap lamang at isang matandang babae ang natutong dahan-dahang magtiwala muli sa isang miyembro ng pamilya matapos masaktan at mabigo sa loob ng maraming taon.

Napanood mo na ba ito, kailian?

#MayorAliceRecommends#HowToMakeMillionsBeforeGrandmaDies#ThaiFilm#TearJerkerFilm#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon