Kailian, nakamit natin ang target na 𝐳𝐞𝐫𝐨 𝐜𝐚𝐬𝐮𝐚𝐥𝐭𝐲 o walang naitalang patay sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Bagaman nakapagtala ng siyam na vehicular accidents, 12 near drowning incidents, at walong minor incidents, tagumpay pa ring maituturing ang Oplan Semana Santa dahil napagtagumpayan natin ang target na makapagdiwang nang ligtas at payapa ang lahat ng San Nicolanians at mga turista.

Isang mainit na pagbati ang ipinapaabot natin sa 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐞𝐥𝐢𝐭𝐨 𝐁𝐢𝐛𝐚𝐭, 𝐟𝐨𝐫𝐦𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐑𝐚𝐲𝐦𝐨𝐧𝐝 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐭𝐨𝐳𝐚, 𝐒𝐮𝐫𝐯𝐢𝐯𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬, 𝐌𝐚𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐬𝐤 𝐅𝐨𝐫𝐜𝐞, 𝐔𝐧𝐢𝐭𝐞𝐝 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐭 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐜𝐨𝐦, 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩, 𝐁𝐮𝐫𝐞𝐚𝐮 𝐨𝐟 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧, at 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 na sama-samang nagbantay sa mga itinalaga nating incident command posts at nag-patrol sa buong bayan para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko lalo na sa mga tourist spot na dinagsa ng maraming tao.

~𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐥𝐢𝐜𝐢𝐚 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐄𝐧𝐫𝐢𝐪𝐮𝐞𝐳

#ZeroCasualty#OplanSemanaSanta#HolyWeek2024#SemanaSanta#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon