Upang matulungan sa pagbangon ang nasa 228 na indibidwal at pamilyang San Nicolanians na dumaranas ng mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, mga kalamidad, at iba pang krisis, muling namahagi ng financial assistance ang pamahalaang lokal ng San Nicolas na aabot sa P455,000.
βNawaβy makatulong ang munting suportang ito bilang stop-gap measure upang maibsan ang mga pasaning inyong iniinda sa kasalukuyan. Lakipan ninyo ito ng panalangin upang biyayaan pa kayo ng Panginoong Diyos ng ibayong lakas na makapagpatuloy at makapaglingkod sa Kaniya,β saad ni Mayor Alice.
Katuwang ni Mayor Alice sa pamamahagi sina Vice Mayor Alvin Bravo, Municipal Councilors Pedrelito Bibat, Jairus Thom Dulay, Queen Descargar, Amorsolo Pulido, Leomar Saldivar, Jun Serquina, at SK Federation Chairperson Gian Jetrho Manansala.
Mula noong 2019, aktibo ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa pagpapalapit ng LGU sa mga tao sa pamamagitan ng hindi mabilang at kahanga-hangang mga programa nito tulad ng medical, burial, at shelter assistance.
#AssistanceToIndividualsInCrisisSituation#FinancialAssistance#MedicalAssistance#BurialAssistance#EmergencyShelterAssistance#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride