Umani ng papuri mula sa mga residente ang panibagong proyekto ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa Brgy. Lungao matapos palawakin ang daan sa pamamagitan ng road shoulder concreting at paglalagay ng reinforced concrete pipe.

Ang nasabing proyekto na may habang 55 metro, lapad na 4.15 metro, at kapal na 0.165 metro ay magsisilbing emergency stopping lane sa gilid ng kalsada o motorway lalo na kung nasiraan sa daan at kung magkakasalubong ang mga naglalakihang sasakyan.

Naglagay din ng reinforced concrete pipe upang direktang dumaloy ang tubig sa ilalim ng lupa at mapaglabanan ang mga stress sa kapaligiran na maaaring magdulot ng baha sa lugar.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si 𝓟𝓑 𝓥𝓲𝓻𝓰𝓲𝓵𝓲𝓸 𝓛𝓪𝓶𝓪𝓻𝓬𝓪 dahil sinisikap ni Mayor Alice na alalayan sila sa pagsasaayos ng kanilang barangay. Aniya, walang masasayang na pondo dahil ang proyekto ay mapapakinabangan ng mamamayan pati na ang mga karatig lugar, ang Salingcob at Dalumpinas, na dumadaan sa kanilang barangay.

Nagbigay ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng 244 bags ng Portland cement, 5 truckloads ng screened sand, 9 truckloads ng screened gravel ¾, at 3 piraso ng reinforced 10” concrete pipe para sa nasabing proyekto kung kaya’t natapos ito nang maayos at mabilis.

#RoadShoulderConcreting#ReinforcedConcretePipe#ThankYouLGUSanNicolas#ThankYouMayorAlice

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon