Upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral ng Villa Jose Elementary School sa Brgy. Calanutian, inilapit ni Master Teacher Leland D. Aguire kay Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang kanilang kahilingan na malagyan ng steel matting ang perimeter fence ng paaralan.

Agad namang tinugunan ng lokal na pamahalaan ang kanilang hiling sa pamamagitan ng paglalaan ng Special Education Fund para sa mga kinakailangang materyales.

Kamakailan, bumisita ang alkalde sa paaralan, kung saan siya ay masiglang sinalubong ng mga mag-aaral na may matatamis na ngiti at puno ng pasasalamat.

Matataandaang Enero 2024 nang simulan ang pagtatayo ng konkretong bakod bilang unang hakbang upang mapalakas ang seguridad. Makalipas ang ilang buwan, sinagawa ang sumunod na hakbang—ang paglalagay ng steel matting—upang higit pang pagtibayin ang perimeter fence.

“Ang kolaborasyon ng mga guro, magulang, sangguniang barangay, at lokal na pamahalaan ay nagbubunga ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa pag-aaral, na nagbibigay-diin sa halaga ng pagkakaisa at malasakit ng komunidad para sa kinabukasan ng mga kabataang San Nicolanian,” saad ni Mayor Alice.

#VillaJoseElementarySchool#StrengtheningSecurity

#ProjectAccomplishment#ForSanNicolanianYouth

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon