Para sa epektibong komunikasyon, mabuting pamamahala sa oras, pag-iingat ng talaan, at mas maayos na serbisyo sa kanilang kabarangay, naghandog si Mayor Alice ng isang personal computer sa Brgy. Camangaan.

Malugod naman itong tinanggap ng barangay council sa pangunguna ni 𝐏𝐁 𝐇𝐞𝐫𝐦𝐢𝐧𝐢𝐠𝐢𝐥𝐝𝐨 𝐃𝐨𝐭𝐨𝐧 na nagsabing mas mapabilis na ang data recording, profiling, at pagproseso ng mga mahahalagang dokumento sa kanilang barangay hall.

Nangako naman silang pangangalagaan nilang mabuti ang kagamitang ito at pag-iigihan pang lalo ang serbisyong kanilang ibinibigay sa kanilang nasasakupan.

#AwardingOfPersonalComputer#BrgyCamangaan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon