Upang maisulong ang isang mapayapa at maayos na pambansa at lokal na halalan sa bayan, nagsama-sama ang kasalukuyang mga opisyal ng bayan, iba’t ibang mga lokal na kandidato, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno sa isang programang pinangunahan ng Commission on Elections.

Nag-umpisa ang programa sa isang Unity Walk at sinundan ng isang misa na idinaos sa St. Nicholas de Tolentino Parish na pinangunahan ni Fr. Farley Castro.

Lumahok din ang lahat sa Peace Covenant Signing na naglalayong magpatibay ng kapayapaan sa nalalapit na eleksyon at humimok sa lahat na patuloy na suportahan ang pagtataguyod ng integridad ng proseso ng elektoral.

Sa kaniyang mensahe, nag-iwan ng paanyaya si PCPT. Joseph Mejia na magkaisa at magtulungan ang bawat isa para sa kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayang kanilang paglilingkuran.

Naghandog rin ng mensahe MLGOO Jose C. Agustin na sumentro sa pagpapanatili ng katapatan, malasakit, at integridad sa paglilingkod sapagkat ito ang magsisilbing pangunahing gabay at inspirasyon sa bayan.

Ipinaalala naman ni Election Officer Gina L. Aquino sa mga kandidato na sundin ang mga patakaran at alintuning itinalaga para sa darating na eleksyon. Matapos nito, iprinesenta niya ang mga kandidato sa iba’t-ibang partido.

#HonestOrderlyPeacefulElections#PeaceCovenant#InterfaithPrayerRally#COMELEC#DILG#IntegrityPledge#HonestCampaigning#DoveRelease#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon