Tatanggap ang Guardians ng San Nicolas ng four-wheel drive tractor with rotary tiller o rotavator na nagkakahalaga ng P1,314,344.00 mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at tanggapan ni Cong. Marlyn Primicias-Agabas.
Layunin ng nasabing proyekto sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program na makatulong sa drainage at mapataas ang lebel ng lupa maging sa pagsira, paghiwa, at pag-aerate sa lupa bago tamnan ng mga gulay at pananim.
Samantala, nasa 312 residente ng San Nicolas ang napiling benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program ng DOLE at ni Cong. Marlyn bilang bahagi ng emergency employment program na layong maibsan ang kahirapan na nararanasan ng mga nasa vulnerable sector.
βHindi na mabilang ang tulong at suporta ni Cong. Marlyn sa ating bayan at hindi po tayo magsasawang magpasalamat sa kaniyang kabutihan at pag-aalala sa kapakanan ng ating mga kababayans lalo na ang Guardians na malakas na katuwang ng pamahalaang lokal ng San Nicolas,β pahayag ni Mayor Alice.
#Rotavator#Guardians#DOLE#CongresswomanMarlynPrimiciasAgabas#IntegratedLivelihooodProgram#EmergencyEmploymentProgram#TulongPanghanapbuhay#DisadvantagedDisplacedWorkers#DOLE#TUPADProgram#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride