Muling nagbabalik ang pinakamalaking tanghalan sa San Nicolas, Pangasinan ngayong Panagrambak 2024βang Battle of the Bands Season II.
Ang timpalΓ‘k ay bukas sa lahat ng mga bandang may 4-8 na miyembro edad 15 pataas. Ang unang sampung kalahok na kumpirmadong magtatanghal ay kailangang maghanda ng 3 music genreβreggae at dalawang napiling genreβ sa loob ng hindi bababa sa 12 minuto ngunit hindi hihigit sa 15 minuto. Paalala lamang na hindi pinapayagan ang mga awiting may malalaswa, mapanira, at mahahalay na mga salita.
Ang tatanghaling kampeon ay mag-uuwi ng Php 20,000.00 habang Php 15,000.00 at Php 10,000.00 naman ang naghihintay para sa una at ikalawang gantimpala, ayon sa pagkakabanggit. Sila ay muling magtatanghal sa dulo ng kompetisyon.
Bubuksan ang Municipal Public Auditorium simula alas-tres ng hapon at bibigyan ang bawat banda ng 5 minuto para sa sound checking. Ihahanda ng organizers ang mga maaaring gamiting instrumentong musikal ngunit pinapayagan ding gamitin ng banda ang kanilang sariling aparato.
Huhusgahan ang mga banda gamit ang mga sumusunod na pamantayan sa pagpili ng mga mananalo: Stage Presence, Preparedness, and Mastery (20%), Timing, Instrumentation, and Presentation (20%), Creativity and Originality (20%), Quality of Performance (30%), at Overall Impact and Interface with Audience (10%).
Para sa mga interesado, magparehistro na sa Mayorβs Office o tumawag sa 0935-319-3628 mula Pebrero 23 hanggang Marso 3, 2024.
~πππππ ππππππ π. πππππππππ-ππππππππ
#BattleOfTheBandsII#MusikerongPilipino#Reggae#MeloRock#PopRock#Rock#AllMusicGenre#Panagrambak2024#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride