Hindi maitatatwa na ang panibagong proyekto ni Mayor Alice para sa mga mag-aaral ng San Nicolas ay patuloy sa pagbibigay ng ngiti at saya dahil ang simpleng t-shirt na handog ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ay malaking bagay na para sa kanila.

Noong Biyernes, Marso 15, nagtungo si Mayor Alice at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan sa Cabitnongan Elementary School, Calocan Elementary School, at Sta. Maria Elementary School kung saan umabot sa 603 t-shirts ang naipamahagi.

“Napakalaking biyaya na naging Mayor ng San Nicolas si Doc Alice. Hindi lang iilan ang nakikinbanang kundi lahat ng mag-aaral sa buong bayan. Dahil sa kaniyang proyekto, kahit paano ay naiibsan ang mga pasanin ng mga magulang dala ng kahirapan,” saad ni Principal Ronald Nabong.

Sinegundahan naman ito ni Principal Jeofrey Rapanot dahil aniya malaking tulong din sa aspektong emosyonal ang proyekto dahil malaki ang impact ng simpleng regalong ito sa mga mag-aaral. Bakas sa mga mukha ng mga mag-aaral lalo na ang mga kapos-palad ang hindi masukat na kagalakan.

Dagdag pa ni Principal Nabong, ang taunang pagbibigay ng 60,000+ worth of projects sa bawat paaralan ay naging pangunahing dahilan upang hindi na humugot pa sa sariling bulsa ang mga guro.

#SchoolTShirtDistribution#GivingOfHope#PanagayatNiDok#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon