Muling nagsama-sama ang mga kabataan sa Brgy. Camangaan upang magtagisan ng galing sa isports sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan para sa kanilang Sports League 2024.

Nagpagalingan sa basketball, badminton, billiards, at chess ang mga kabataan sa nasabing lugar kung saan bumisita rin at nakisaya si Mayor Alice.

β€œNapakagandang aktibidad na inyong isinagawa sapagkat dito nahahasa at napagtitibay ang abilidad, kalakasan, at katalinuhan ng mga kabataan at makakaasa kayo na aming patuloy na susuportahan ang mga aktibidad na kagaya nito,” aniya.

Ang sports league na ito ay pinangunahan nina PB Herminigildo Doton at SK Chairperson Angio M. Balino kasama ang mga bumubuo ng Barangay at SK Councils.

#CamangaanSportsLeague2024#SangguniangKabataan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon