Mahalaga sa bawat pamamahay lalo na sa kabundukan ang pagkakaroon ng maayos at malakas na supply ng malinis na tubig para sa pang araw-araw na pangangailangan.”

Ito ang naging pahayag ni Mayor Alice nang maghandog ang lokal na pamahalaan ng water tanks na makatutulong sa mga residente ng Brgy. Fianza at Malico lalo na tuwing tag-init.

Hindi na pinatagal pa ang paghihintay ng mga residente kung kaya’t matapos personal na masiyasat ang mga kakulangan sa naturang barangay, agad inaksiyunan ni Mayor Alice ang pagpapalakas at pagpapabuti sa suplay ng malinis na tubig sa lugar.

Parehong nabiyayaan ang Malico at Fianza ng stainless water tank na maaaring magkarga ng 2000 litro ng tubig at concrete pedestal na may lawak na 3 sqm.

Samantala, kinailangan namang bigyan ng pipe na may habang 1.260 kilometro mula sa pinagkukunan ng tubig ang Malico habang nasa 360 metro naman sa Fianza.

Malaking tulong ang water tanks sa mga residente dahil walang maasahang sapat na tubig-ulan tuwing tag-init, at bunga nito, limitado ang supply sa lugar.

#WaterTanks#ConcretePedestal#PipeLine#BetterWaterSupply#Fianza#Malico#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon