Isusulong ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang sustainable at resilient local tourism upang magkaroon ng pangmatagalang pananaw sa turismo at pananatilihin o higitan pa ang mga tagumpay nito sa turismo noong nakaraang taon.
Ito ang naging laman ng pagpupulong nina Mayor Alice at ang bumubuo ng Municipal Tourism Department ukol sa mga gagawing hakbang sa pagpapalakas ng promosyon sa turismo na layong mas makilala pa ang bayan ng San Nicolas at matulungan ang mga residente sa kanilang kabuhayan.
Ang pagbuhay pa sa lokal na ekonomiya at paglikha ng mga kabuhayan ang kasalukuyang prayoridad ng pamahalaang lokal na nakabatay sa Tourism Act of 2009, ang una at tanging batas sa turismo ng Pilipinas, na matagal nang nagsilbing bibliya ng sektor ng turismo sa pagbuo ng mga programang pakikinabangan ng industriya.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng brainstorming of activities para sa Kasalang Bayan 2024 na gaganapin sa Agpay Eco Tourism Park sa Pebrero 13.
#PlanningForTourismPromotion#SustainableTourism#ResilientTourism#SeePangasinan#LoveThePhilippines#KasalangBayanSaAgpayEcoPark#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride