Nagtipon-tipon sina Mayor Alice, Municipal Community-Based Monitoring System (CBMS) Coordinating Board, at Provincial Statistics Office (PSO) ng Pangasinan sa Municipal Conference Hall na sumentro sa pagkakaroon ng “Swak na Datos para sa Komunidad na Maayos.”

Tinalakay ang makabuluhang pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaang lokal na nakatuon sa pag-alis ng kahirapan at pag-unlad ng ekonomiya sa pagsugpo sa mga problemang may kinalaman sa kalusugan, nutrisyon, tubig, kalinisan, tirahan, edukasyon, kita, trabaho, seguridad, at pakikilahok.

Sina Administrative Officer Angelica Sarzaba, Statistical Specialist Xavier Narvas, at Registration Officer Nathaniel Cardozo ang tumalakay sa provisional agenda sa nasabing pagtitipon.

Ang CBMS, na ipinag-uutos sa ilalim ng Republic Act 11315, ay nagsasangkot sa pagbuo ng data sa lokal na antas, na nagsisilbing batayan para sa pag-target sa mga sambahayan sa pagpaplano, pagbabadyet, at pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan.

#CommunityBasedMonitoringSystem#CommunityProfiling#CBMS2024#LocalDevelopmentPlansAndPrograms#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon