Ating alalahanin ang katahimikan at pagninilay matapos ang sakripisyo ni Hesus sa krus. Matapos Siyang malagutan ng hininga, si Jose ng Arimathaea ay buong tapang na humingi kay Pilato ng pahintulot upang kunin ang Kaniyang katawan (Mark 15:43). Sa tulong ng mga kababaihan ng Galilea, inihanda nila ang Kaniyang katawan para sa libing, ngunit sila’y nagpahinga muna bilang paggalang sa araw ng Sabbath (Luke 23:55-56).
Ang Sabado de Gloria ay isang paalala na sa gitna ng katahimikan, mayroong pag-asa. Ito ang araw ng paghahanda para sa muling pagkabuhay ni Kristoโisang simbolo ng bagong simula at tagumpay ng liwanag laban sa dilim. Sa ating mga puso, maglaan tayo ng oras para magnilay, magdasal, at humingi ng kapatawaran. Higit sa lahat, alalahanin natin na ang kaligtasan ng mundo ay bunga ng Kaniyang dakilang pagmamahal.
Tayo ay nakikiisa sa paggunita ng Sabado de Gloria. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang tayo’y magpatuloy sa pananampalataya at pagmamalasakit sa isa’t isa.
#BlackSaturday#SabadodeGloria#SemanaSanta#HolyWeek2025#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride