Kailian, narinig mo na ba ang balita? Something fishy is going on sa Agpay Eco Park.

𝐇𝐞𝐫𝐞’𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐜𝐚𝐭𝐜𝐡: May dalawang fishponds ng hito at tilapia sa park. Kakaibang experience ang hatid nito sa lahat ng kailian at turistang nature lovers dahil maaari silang mamingwit at mag-ihaw ng kanilang mga nahuli sa grilling area. Mapapasabi nalang talaga sila ng “I came, I saw, I fished.”

𝐅𝐢𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨𝐥𝐝, 𝐨𝐧𝐞 𝐜𝐚𝐬𝐭 𝐚𝐭 𝐚 𝐭𝐢𝐦𝐞: Alam mo bang 2019 nang unang maplano si Mayor Alice kasama sina Cong. Marlyn Primicias-Agabas, Tayug Vice Mayor Lorna Primicias, at ang yumaong si Manong Gerry Manangan?

𝐊𝐞𝐞𝐩 𝐜𝐚𝐥𝐦 𝐚𝐧𝐝 𝐟𝐢𝐬𝐡 𝐨𝐧: Dumaan ang pandemya ngunit hindi tumigil si Mayor Alice sa pagsasaayos at pagsasakatuparan ng kanilang plano para sa Agpay Eco Park. Bunga ito ng kaniyang mga panalangin sa Panginoong Diyos, pananalig sa Kaniyang mga plano, at dedikasyon upang matupad ang kaniyang hiraya para sa bayan ng San Nicolas.

𝐉𝐮𝐬𝐭 𝐤𝐞𝐞𝐩 𝐟𝐢𝐬𝐡𝐢𝐧𝐠, 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐤𝐞𝐞𝐩 𝐟𝐢𝐬𝐡𝐢𝐧𝐠: Umabot sa 2,000 na hito at 2,000 tilapia fingerlings ang pinalaki’t inalagaan sa fishponds, ngunit dahil sa ito’y trial run pa lang, marami ang nangamatay dala ng eels na hindi naalis. Inaasahang nasa 200 piraso ng tilapia ang maha-harvest ngayong araw na ibebenta ng 100 pesos per kilo at ipamamahagi sa LGU staff.

𝐇𝐨𝐨𝐤𝐞𝐝! Marami pa ang maliliit na tilapia kung kaya’t sa July pa ito maaaring i-harvest. Paniguradong magiging patok ang “Huli mo, Ihaw mo” sa mga magbabarkada at magkakapamilya na dumarayo sa ipinagmamalaking tourist destination ng San Nicolas—ang Agpay Eco Park.

𝐅𝐢𝐬𝐡 𝐛𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐲𝐨𝐮, 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐢𝐚𝐧!

#AgpayEcoPark#BestTouristExperience#Fishpond#Hito#Tilapia#HarvestTime#Hiraya#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon