Napawi ang pangamba ng mga magulang ng Everlasting Child Development Center sa Sta. Maria East nang tugunan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang kanilang kahilingan na maayos ang ceiling ng kanilang klasrum.
โTuwing umuulan, tumutulo ang tubig-ulan sa loob ng klasrum. Gumagamit kami ng mga pansalong batyaโt timba upang hindi mabasa ang sahig. Halos mahulog na rin ang mga ilaw dahil sira-sira na ang kisame na sadyang delikado para sa mga estudyante,โ salaysay ni ๐. ๐ก๐ธ๐ซ๐ฎ๐ป๐ฝ ๐๐ฌ๐ฎ๐ท๐ช๐ผ, guro ng Cattleya CDC.
Tinatayang nasa 151.06 metro kuwadrado ang ikinabit at pininturahang kisame na nagbigay ng kasiyahan sa mga magulang at estudyante dahil na rin sa agarang pagtugon ni Mayor Alice sa kanilang hinaing.
Saad ng alkalde sa kaniyang pag-iinspeksyon sa proyekto, isusunod niyang lagyan ng tiles ang flooring ng Everlasting Child Development Center upang mas maging komportable ang mga mag-aaral habang natututo mula sa kanilang lessons.
โNang mabanggit ni Mayor Alice ang kaniyang susunod na plano, ibayong sayaโt sigla ang naidulot nito sa aking mga estudyante at kanilang mga magulang. Sisikapin naming pangangalagaan ang kisame upang hindi na ito magdulot ng pangamba sa amin,โ pagtatapos ni รcenas.
#CeilingInstallation#CeilingPainting#CattleyaChildDevelopmentCenter#BrgyStaMariaWest#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride