Tiniyak ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez at ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang puspusang Oplan Semana Santa 2025 upang masiguro ang kaligtasan at maayos na karanasan ng mga bumibisita sa ibaโt ibang tourist destinations ng bayan.
Sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, Barangay Councils, at ibaโt ibang volunteer groups tulad ng Community Support Action Force, KCI, United Kabalikat Civicom 143M San Nicolas Chapter, Kabayan Action Group, at Mata ng Masa Task Force, naging alerto at aktibo ang bayan sa pagbibigay ng mabilis na pagtugon sa anumang emergency situations sa mga kailian, turista, at bisita.
โAraw-araw, sinisiguro natin na ang bawat bisita ay magkaroon ng maayos na serbisyo at seguridad. Ang Semana Santa ay isang mahalagang pagkakataon hindi lang para sa espirituwal na pagninilay, kundi para rin sa pagbibigay ng masayang karanasan sa ating mga bisita,โ ani Mayor Alice.
Ang Oplan Semana Santa 2025 ay patunay ng dedikasyon ni Mayor Alice na magbigay ng pinakamahusay na serbisyo, makabuluhan at ligtas na pagdiriwang ng Mahal na Araw.

















#OplanSemanaSanta#HolyWeek2025#Safety#Security#SemanaSanta#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride