Gustong-gusto mo bang pumupulupot sa iyong kandungan ang iyong pusa pagtatapos ng mahabang araw habang nanonood ka ng telebisyon o nagbabasa ng libro?
Ang pagmamay-ari ng pusa ay nagdadala ng walang pasubaling pagmamahal at pagsasama sa buhay ng mga ailurophile o mga taong mahilig sa pusa. Nagdudulot din kasi ito ng mga benepisyo sa kanilang kalusugan na tumutulong na mapawi ang stress at mapabuti ang kalusugan ng kanilang puso.
Bagama’t ang mga pusa ay mga independent na hayop na mahilig mag-scavenge at mag-explore sa kanilang sarili, sila ay masyadong mapagmahal sa kanilang mga may-ari at mga taong pinagkakatiwalaan nila.
Kailian, isa ka bang ailurophile? I-flex mo na sa ating comment section ang larawan ng iyong alagang pusa.
#WordPhiles#WordOfTheDay#Ailurophile#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride