Walong taon na nang mapatunayan na mayroon tayong exclusive sovereign rights sa West Philippine Sea sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague. Napatunayan na walang basehan ang inaangkin na historic rights ng Tsina sa loob ng sinasabi nilang β€˜nine-dash line’.

Kamakailan, muli na namang hinarass, hinarang, at binomba ng tubig ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia vessels ang mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard sa routine resupply and rotation mission nito sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Hindi ito ang unang beses na agresibong umaatake at nanghaharang ang mga barko ng Tsina sa ating mga karagatan. Mismong mga mangingisdang Pinoy ay hindi nila hinahayang makapangisda sa sarili nating teritoryo.

Kailian, bakit kailangan nating ipaglaban ang ating karapatan sa West Philippine Sea?

#MayorAliceAsks#WestPhilippineSea#AtinAngWestPhilippineSea#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon