Gumuhit ng cartoon characters, maglagay ng disenyo sa kaniyang mga proyekto sa paaralan, at gumawa ng birthday cards para sa kaniyang pamilya. Iyan na ang kinalakihan ng 19-anyos na MarahuyΓ² artist na si Janssen Reign PeΓ±a.

Nang nagkaroon ng pandemya, sinubukan niyang mag-aral kung paano gumuhit gamit ang lumang tablet ng kaniyang pamilya bilang pampalipas oras. Mula sa available online resources at artists na kaniyang sinusubaybayan, nagbigay ito ng inspirasyon sa kaniya upang tuklasin ang digital art.

Sa pagtagal ng panahon, nagustuhan niya ang bawat likha na kaniyang ginagawa. Nalaman niyang nasisiyahan siya sa pagguhit ng mga makukulay na tanawin, mga karakter mula sa kaniyang mga paboritong palabas, lalong-lalo na ang mga taong pinakamamahal niya.

Panahon na upang marahuyΓ² sa mga obra maestra ng kailian nating si Janssen Reign PeΓ±a ng Brgy. Poblacion East. I-like at i-share mo na, kailian!

β“‚β’Άβ“‡β’Άβ’½β“Šβ“Žβ“„

#MarahuyΓ²#ObraMaestra#BeEnchanted#CelebratingCultureAndArts#Creativity#Culture#Arts#PhilippineCulture#ArtAppreciation#ArtistinFocus#ArtoftheDay#ArtistsonFacebook#Art#Artwork#ArtistSpotlight#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon