Natupad na nga ng Calaocan Elementary School ang isa sa kanilang development projects ngayong taon matapos silang suportahan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pagpapatayo ng kanilang school stage.
Ang nasabing entablado na may habang 10.25 metro, lapad na anim na metro, at kabuuang sukat na 61.50 sq. m. ay isa lamang sa mga bagong proyektong natapos sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Alice na agad namang nagsagawa ng inspeksyon nitong Mayo lamang.
โNang bumungad sa akin ang โThank you Mayor Aliceโ na placard ng mga mag-aaral sa Calaocan Elementary School, naantig ang puso ko. Sino ba namang hindi matutuwa na salubungin sa ganoong paraan? Naging inspirado tuloy akong pagsikapan pa lalo ang aking trabaho para sa mga bata at sa bayang ito,โ saad ni Mayor Alice.
Nagpasalamat naman si ๐. ๐๐๐จ๐๐ซ๐๐ฒ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐จ๐ญ, punong guro ng nasabing paaralan, sa LGU San Nicolas at kay Mayor Alice sa mainit na pagsuporta sa mga proyektong makapagpapabuti at makapagpapataas sa kalidad ng edukasyon sa San Nicolas.
โKasama ang buong puwersa ng Calaocan Elementary School, walang hanggang pasasalamat ang aking ipinaaabot kay Mayor Alice sa hindi na mabilang na mga proyektong pinangunahan niya upang mas mapabuti ang aming kalagayan sa sektor ng edukasyon. Pangako po namin na iingatan, pagyayamanin, at aalagaan namin ang aming bagong school stage na ibiniyaya po niya sa amin,โ ani Rapanot.
#SchoolStage#CalaocanElementarySchool#SupportToEducationSector#ThankYouMayorAlice
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride