Nagpupugay tayo sa ating mga kababayan na patuloy ang isinasagawang mga aktibidad katulad ng paglilinis sa ating kapaligiran upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng ating bayan.

Kamakailan lamang ay nagsagawa rin ng ganitong aktibidad ang mga mamamayan ng Barangay Sta. Maria West sa pakikipagtulungan ng ating MENRO na si Sir 𝐄𝐝𝐝𝐢𝐞 𝐌𝐚𝐭𝐞𝐨. Ang clean-up drive na ito ay pinangunahan mismo ni 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐞𝐬𝐚𝐫𝐢𝐨 𝐑𝐚𝐦𝐢𝐫𝐞𝐳 kasama ang kanyang konseho, CVOs, BHWs, at iba pang mga volunteers na tumulong upang linisin ang kanilang irrigation canals.

Layunin ng mga aktibidad na katulad nito na hikayatin ang ating mga kababayan na maging aktibo sa kanilang tungkulin bilang mabuting mamamayan at panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran lalong-lalo na sa mga estero at irrigation canals bilang isang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit gayundin sa paglikha ng malinis at luntiang kapaligiran.

Maraming salamat po sa inyong lahat and more power!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon