Lubos po ang ating pasasalamat sa 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐬𝐭𝐢𝐜𝐬 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 (PSA) at 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐫𝐬 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (PANCRA) at napili nila ang ating bayan upang dito ganapin ang kanilang Monthly Meeting na kung saan ay pinagusapan nila ang pagpapayabong pa ng kanilang serbisyo para mga Pangasinense.

Sa isinagawa nilang aktibidad nitong Miyerkules, May 31, na dinaluhan mismo ni 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐒𝐡𝐢𝐞𝐥𝐚 𝐎. 𝐃𝐞 𝐆𝐮𝐳𝐦𝐚𝐧, regional director ng PSA, kasama si provincial director 𝐄𝐝𝐠𝐚𝐫 𝐍𝐨𝐫𝐛𝐞𝐫𝐭𝐞, at 𝐋𝐨𝐮𝐫𝐝𝐞𝐬 𝐌. 𝐋𝐥𝐚𝐦𝐚𝐬, city civil registrar ng San Carlos City at president ng PANCRA, ay ating dinaluhan ang kanilang okasyon at muli ay nangako tayo sa kanila ng ating patuloy na commitment para sa kanilang hanay.

Napakalaki ng bahagi ng PSA at PANCRA para sa layunin nating mabigyan ang ating mga kababayan ng magandang serbisyo sa pagpaparehistro. Ika nga, from birth to death, sila po ang umaalalay sa atin para sa mga datus at sertipikong kinakailangan natin sa ating pamumuhay kaya’t karapat-dapat lamang na sila ay ating alalayan ng lubos ng ating makakaya.

Again, maraming salamat PSA at PANCRA! More power po sa inyong lahat 💪🙏🥳

~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#PhilippineStatisticsAuthority

#PangasinanCivilRegistrarsAssociation

#CommitmentOfSupportAssured

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon