Sa tulong ng Department of Social Welfare and Development, 521 na mga residente ng San Nicolas ang naitala bilang bagong benepisyaryo ng πππ§πππ°π’π πππ¦π’π₯π²ππ§π ππ’π₯π’π©π’π§π¨ ππ«π¨π π«ππ¦ (4Ps) na naglalayong sumira sa siklo ng kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at edukasyon ng mahihirap na kabataan.
Sa naganap na Orientation at Registration ng 4Ps nito lamang Mayo 3, umapela si Mayor Alice sa mga bagong miyembro na tuparin ang mga kondisyong nakasaad sa programa at magamit ang tulong pinansiyal na ito mula sa gobyerno sa pagpapabuti ng kanilang kalagayan at pagtugon sa pangunahin nilang pangangailangan.
βGamitin nawa ninyong mabuti ang ibibigay na tulong pinansiyal sa inyo sa pangangailangan ng inyong mga anak at isantabi muna ang inyong kagustuhan sa mga bagay na mas kinakailangan ng inyong pamilya. Laging sumunod sa patakaran ng DSWD upang hindi kayo magkaroon ng problema sa hinaharap,β payo ng alkalde.
Dagdag pa ni Mayor Alice, ang pamumuhunan sa kalusugan at edukasyon ng mahihirap na kabataan sa tulong ng programang ito ay mag-aalis sa mga pamilyang San Nicolanian mula sa kahirapan.
Ang 4Ps ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao para sugpuin ang kahirapan ng ating mga kababayan na nasa lugmok ng kahirapan.
#PantawidPamilyangPilipinoProgram#Orientation#Registration#NewMembersof4Ps#SustainableDevelopmentGoals#InclusiveandEquitableQualityEducation#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride