Para sa mga kabataaang mag-aaral ng San Nicolas kasama ng kanilang mga magulang na umaasa sa lingap ng ating lokal na pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan sa kanilang pag-aaral ay malugod ko pong ipinapaalam sa inyo na sa mga oras na ito ay patuloy ang aming pagsusumikap upang matapos natin ang lahat ng mga kinakailangang papeles para maibigay na natin ang tulong na nararapat sa inyo.

Sa bahagi pong ito ay lubos po ang aking pagpapasalamat sa ating Working Group na kinabibilangan ng aking mga staff sa Mayorโ€™s Office, katulong si ๐“œ๐“ชโ€™๐“ช๐“ถ ๐““๐“ฎ๐“ต๐“ฒ๐“ช ๐““๐“ช๐“ต๐“พ๐“ฝ๐“ช๐“ฐ at kanyang mga staff sa MSWDO, ang suportang hatid ng DepEd at mga paaralan sa ating bayan para sa pag-comply ng mga requirements, at sa kooperasyon ng ating mga barangays officials, ay atin pong masusing inaayos ang mga dokumentong kinakailangan.

As of 5:00pm po ngayong araw ay 18 out of 33 barangays ang completed at verified na po ng ating team na kinukumpunihan ng Brgy Sto. Tomas, Poblacion West, Camindoroan, Camanggaan, Malico, Salingcob, Nining, Calanutian, Nagkaysa, Cabuloan, Malilion, Cacabugaoan, San Rafael West, San Felipe West, Sta. Maria West, San Rafael Centro, Cabitnongan, at San Isidro. Ibig sabihin ay sila po ang mga barangays na nakasumite na ng Certificate of Indigency sa LGU at verified na din po ito ng DSWD.

Sa listahan pong ito ay meron na po tayong 3,034 na estudyanteng qualified na makakatanggap ng Education Assistance–1151 sa Elementary, 682 sa High School, 225 sa Day Care, 9 sa Special Learners. Sa mga nag-aaral naman sa labas ng ating bayan ay nakapagtala na po tayo ng qualified students sa High School na 143 at sa College na 824.

Muli, ang aking taos-pusong pasasalamat para sa mga kasama kong lingkod bayan na patuloy na nagseserbisyo at nagsasakripisyo kahit araw ng Sabado para maihatid natin ang tulong para sa mga kabataang mag-aaral na San Nicolanians.

-๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐€๐‹๐ˆ๐‚๐ˆ๐€ ๐‹. ๐๐‘๐ˆ๐Œ๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐’-๐„๐๐‘๐ˆ๐๐”๐„๐™

#LaborOfLoveOnAWeekend

#SerbisyoAtSakripisyoNgMgaLingkodBayan

#ForTheBenefitOfSanNicolanianStudents

#EducationalAssistanceForAllStudentsOfSanNicolas

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon