Kailyan, ikinatutuwa ko pong ibalita na ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas ay muling mamamahagi ng Inbred Rice Seeds sa ating mga rice farmers ngayong araw hanggang bukas. Ang programang ito ay alinsunod sa programa ng ating national government sa ilalim ng 𝐑𝐢𝐜𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐭𝐢𝐯𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐄𝐧𝐡𝐚𝐧𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐅𝐮𝐧𝐝 (𝐑𝐂𝐄𝐅) sa pamamagitan ng Masagana 150 Clustering Program.
Ngayong araw ang mabibiyayaan ng panibagong distribusyon ng Inbred Rice Seeds ay ang Cluster 1 o ang mga farmers na miyembro ng 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐞𝐥𝐢𝐩𝐞 𝐄𝐚𝐬𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐈𝐫𝐫𝐢𝐠𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 at bukas naman ay ang grupong 𝐌𝐀𝐂𝐀𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐈𝐫𝐫𝐢𝐠𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 na napapabilang sa Cluster 2 & 3. Ang distribusyon ay gaganapin sa ating Municipal Auditorium.
Sa pakikipagtulungan ng ating Municipal Agriculturist na si 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨𝐩𝐡𝐞𝐫 𝐒𝐞𝐫𝐪𝐮𝐢ñ𝐚 ay target po nating makapamahagi ng total na 865 bags ng inbred rice seeds sa panibagong distribusyon pong ito.
~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙
#NewDistributionOfInbredRiceSeedsForFarmers
#RiceCompetitivenesEnhancementFund
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride