Binigyang-diin ni Mayor Alice ang kahalagahan ng sports sa buhay ng mga manlalaro sa kaniyang mensahe sa Municipal Meet 2024 ng San Nicolas District I at II nitong Huwebes, Enero 4.

Ayon sa alkalde, maaaring matuto ang lahat ng athletes sa sports dahil itinuturo nito ang maraming mahahalagang aral sa buhayβ€”disiplina, pokus, dedikasyon, pagsusumikap, at pagtutulungan ng magkakasama.

“Huwag tumutok sa pagkapanalo o pagkatalo, ngunit pahalagahan ang sportsmanship. Ang layunin ng sportsmanship ay upang ituloy ang tagumpay nang may karangalan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinakamahusay na pagsisikap sa bawat laro, manalo man o matalo,” saad ng alkalde.

Samantala, siniguro naman ni Mayor Alice na patuloy niyang susuportahan ang Kagawaran ng Edukasyon lalo’t ramdam na ramdam ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang napakagandang collaboration nila katuwang ang mga magulang, guro, school heads, at district supervisors sa mga programang makatutulong sa mga mag-aaral.

#MunicipalMeet2024#SportsDevelopment#SanNicolasDistrictIandII#Sportsmanship#Discipline#Focus#Teamwork#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon