Hindi nagmamaliw ang paghanga ni Mayor Alice sa kariktan ng Villa Verde Trail kung kaya’t muli niya itong binisita at ininspeksyon kasama ang Municipal Environment and Natural Resources Office at ang hepe ng San Nicolas Police Station.

Alas sais y medya pa lang, sinimulan na ni Mayor Alice ang kaniyang pagbisita sa pamosong lugar at hindi naman nasayang ang pagbangon niya nang maaga dahil sa kaniyang mga nasilayan.

β€œNalulugod akong lagi sa karinyong dulot ng huni ng mga ibon at wasiwas ng mga dahon, at ang mga berdeng puno sa paligid. Sa tuwing naririto ako, magaan ang aking pakiramdam. Mapayapa. Mahangin,” saad ni Mayor Alice.

Dagdag pa ng alkalde, malaking tulong sa mental health ang pagiging malapit sa kalikasan paminsan-minsan. Mabilis ang mga pagbabago sa daigdig sa kasalukuyan kung kaya’t mahalagang tumigil muna pansamantala habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kapaligiran.

#VillaVerdeTrail#Tourism#MalicoPangasinan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon