Kailyan, ikinalulugod ko pong ibalita sa inyong lahat na katatapos lamang ng isinagawa nating 𝐖𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐮𝐫𝐯𝐢𝐯𝐚𝐥 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐫𝐬 (WSS-TOT) at sa ating isinagawang aktibidad na ito ay dalawamput lima (25) na rescue volunteers galing sa ating mga kabarangayan ang sumailalim sa matinding pagsasanay upang maging katuwang ng ating Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa pagsusulong ng kamalayan sa pagpapatibay pa ng ating kahandaan laban sa mga sakuna at kalamidad.

Ang mga nagsipagtapos sa isang linggong kursong ito ay sinanay sa aspeto ng Water Safety at Water Survival, First Aid, Basic Life Support, ganon din sa Ropemanship o pagiging bihasa sa paggamit ng mga taling pangkaligtasan, at higit sa lahat sa mga taktika ng pagre-rescue o pagsagip sa mga nalulunod.

Ang mga nagsipagtapos pong ito ang ating magiging katuwang sa ilulunsad nating “𝐄𝐧𝐝 𝐃𝐫𝐨𝐰𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐰” na programa sa ating bayan upang matuldokan na natin ang mga nangyayaring pagkalunod o mga drowning incidents na nagaganap sa ating mga ilog at mga irigasyon. Sila po ang ating magiging Water Survival Champions sa bawat barangay kaya’t napakalaki po ng magiging papel ng ating mga graduates sa paglulunsad ng programang ito dahil sila po ang ating magiging main facilitators at trainers sa bawat barangay upang masanay natin ang ating mga kababayan na maging handa sa mga ganitong sakuna. Kasama sa mga ilulunsad na mga proyekto ukol dito ang libreng pagtuturo ng swimming at first aid maging ng water safety at water survival.

Samahan nyo po akong batiin sila sa kanilang pagtatapos at pasalamatan sa kanilang mga gagawing serbisyo at sakripisyo upang mapangalagaan ang ating mga nasasakupan at maisakatuparan na po natin ang ating target upang ang ating bayan ay maging isang ganap na “𝐃𝐫𝐨𝐰𝐧𝐢𝐧𝐠-𝐅𝐫𝐞𝐞 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲”.

Sila po ang mga sumusunod: 𝐊𝐞𝐧𝐧𝐞𝐭𝐡 𝐀. 𝐅𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚 at 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐃𝐞 𝐕𝐞𝐫𝐚 (Brgy. Sta. Maria East), 𝐀𝐥𝐣𝐨𝐧 𝐅. 𝐃𝐮𝐥𝐚𝐲 (Brgy. Camindoroan), 𝐋𝐞𝐨𝐧𝐜𝐢𝐨 𝐆. 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐢𝐧𝐞𝐳 𝐉𝐫. (Brgy Dalumpinas), 𝐉𝐞𝐬𝐬𝐢𝐞 𝐅. 𝐓𝐚𝐦𝐛𝐨𝐭 (Brgy. Poblacion East), 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐚𝐧 𝐁. 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 at 𝐄𝐥𝐞𝐬𝐚𝐦 𝐂. 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨 (Brgy. Casaratan), 𝐌𝐢𝐥𝐝𝐫𝐞𝐝 𝐄. 𝐃𝐨𝐭𝐢𝐦𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐲 𝐏. 𝐋𝐥𝐚𝐬𝐨𝐬 (Brgy. San Jose), 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨𝐩𝐞𝐫 𝐏. 𝐁𝐢𝐛𝐚𝐭(Brgy. Camindoroan), 𝐑𝐨𝐧-𝐑𝐨𝐧 𝐉. 𝐕𝐞𝐫𝐢𝐚 (Brgy. Nagkaysa), 𝐉𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜 𝐓. 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐞𝐧𝐚 (Brgy. Sobol), 𝐆𝐢𝐥𝐛𝐞𝐫𝐭 𝐌. 𝐀𝐛𝐚𝐝 (Brgy. Calaocan), 𝐃𝐚𝐧 𝐀. 𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠𝐨 (Brgy. San Felipe West), 𝐄𝐧𝐫𝐲 𝐂. 𝐂𝐚𝐬𝐞𝐫 (Brgy. Lungao), 𝐎𝐥𝐢𝐯𝐞𝐫 𝐑. 𝐂𝐚𝐲𝐚𝐛𝐚𝐧 (Brgy. San Rafael East), 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝐁. 𝐑𝐞𝐛𝐮𝐣𝐢𝐨 (Brgy. Nining), 𝐁𝐨𝐛𝐛𝐲 𝐀. 𝐃𝐞𝐥𝐚 𝐏𝐞ñ𝐚 (Brgy. San Rafael West), 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐝𝐢𝐜 𝐉. 𝐆𝐚𝐥𝐨𝐥𝐨 (Brgy. Cacabugaoan), 𝐌𝐢𝐜𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐌. 𝐎𝐫𝐭𝐢𝐠𝐮𝐞𝐫𝐨 (Brgy. Poblacion West), 𝐖𝐚𝐥𝐝𝐰𝐢𝐧𝐝𝐞𝐥 𝐃. 𝐈𝐬𝐮𝐚𝐧 (Brgy. Salingcob), 𝐌𝐚𝐫𝐯𝐢𝐧 𝐀. 𝐒𝐚𝐫𝐯𝐚𝐥𝐥𝐨𝐧 (Brgy. Salpad), 𝐑𝐨𝐦𝐮𝐚𝐥𝐝𝐨 𝐉. 𝐂𝐚𝐫𝐩𝐢𝐨 (Brgy. San Isidro), 𝐇𝐢𝐥𝐚𝐫𝐢𝐨 𝐑𝐮𝐢𝐳 (Brgy. Bensican), at Rescue volunteer na si 𝐑𝐨𝐧𝐧𝐢𝐞 𝐑. 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐩𝐨𝐧 galing sa grupong Survivalist Philippines.

Sa kanilang pagtatapos at pagsabak sa mga proyektong magpapatibay ng ating kahandaan laban sa sakuna at mga kalamidad ay niregaluhan po natin sila ng rescue uniform at mga kaukulang gamit sa pagre-rescue upang maisakatuparan nila ang maayos na pagganap sa tungkuling ito na kanilang alay para sa ating lahat.

Nagpapasalamat din po tayo sa pakikipagtulungan ni PAFR TSgt. 𝐍𝐨𝐞𝐥 𝐂𝐚𝐛𝐨𝐛𝐨𝐬, presidente ng Survivalist Philippines na ating katuwang sa paglulunsad ng programang ito bilang Training Officer sa pangangasiwa ng ating MDRRM Officer na si 𝐒𝐡𝐚𝐥𝐥𝐨𝐦 𝐆𝐢𝐝𝐞𝐨𝐧 𝐁𝐚𝐥𝐨𝐥𝐨𝐧𝐠 bilang Training Supervisor.

Sa inyong lahat na nagsipagtapos, maraming, maraming salamat and congratulations!

~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#WaterSafetySurvivalAndRescue

#PracticalHandsOnTrainingExperience

#AdditionalPartnersAgainstDisastersAndCalamities

#EndDrowningNow#DrowningFreeSanNicolas

#SurvivalistPhilippines

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon