Hindi na mangangamba ang mga residente ng Brgy. Dalumpinas dahil patuloy nang pinupunan ang kakulangan sa kagamitang medikal ang kanilang barangay health center sa tulong ni ๐๐จ๐ง๐ . ๐๐๐ซ๐ฅ๐ฒ๐ง ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐๐ข๐๐ฌ-๐๐ ๐๐๐๐ฌ at ng ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐จ๐ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก.
Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat si ๐๐จ๐ง. ๐๐ฐ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐๐ฎ๐ฒ๐๐ญ, punong barangay ng Dalumpinas.
โAng barangay health station package na ito mula kay Cong. Marlyn at DOH ay talagang naaayon sa pangangailangan ng mga residente dito lalo na ang mga kabataan, magulang, senior citizens, persons with disabilities. Kaming lahat ay umaasang mas marami pang maisakatuparang proyekto at programang pangkalusugan sa aming barangay,โ saad ni Suyat.
Samantala, binigyang diin ni Mayor Alice na kailangang magamit nang maayos at wasto ang mga medical equipment upang lalo itong makapag-abot ng serbisyo medikal sa matagal na panahon sa lugar.
โSalamat sa DOH at kay Cong. Marlyn dahil naabutan tayo ng kagamitang medikal na kailangang-kailangan natin sa panahon ngayon. Alagaan natin ang mga ito at sikaping magamit nang wasto ayon sa pangangailangan ng mga residente,โ pahayag ng alkalde.
#LenCares#TogetherWeServe#PrimiciasAgabasCares#ThankYouDepartmentofHealth#ThankYouCongMarlyn#EffectiveMedicalServicesinSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride