Ipinagdiriwang ngayong araw, January 4, 2024 ang 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗕𝗿𝗮𝗶𝗹𝗹𝗲 𝗗𝗮𝘆 bilang pag-alala sa kapanganakan ng imbentor ng Braille system, si 𝗟𝗼𝘂𝗶𝘀 𝗕𝗿𝗮𝗶𝗹𝗹𝗲.
Nawalan ng paningin noong bata pa si Louis Braille na isang Pranses nang hindi sinasadyang masaksak niya ang kaniyang sarili sa mata gamit ang awl ng kaniyang ama. Mula sa edad na 10, gumugol siya ng oras sa 𝗥𝗼𝘆𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗕𝗹𝗶𝗻𝗱 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 sa 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲 kung saan binuo niya at ginawang perpekto ang sistema ng mga nakataas na tuldok na kalaunan ay nakilala bilang Braille.
Kalaunan, dahan-dahang tinanggap ang Braille sa buong mundo bilang pangunahing anyo ng nakasulat na impormasyon para sa mga bulag.
Sa kasamaang palad, walang pagkakataon si Braille na makita kung gaano naging kapaki-pakinabang ang kanyang imbensyon. Namatay siya noong 1852, dalawang taon bago nagsimulang magturo ng Braille ang Royal Institute for Blind Youth.
#OnThisDay#4January2024#WorldBrailleDay#LouisBraille#BrailleSystem#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride