Good news para sa mga magsasaka sa bayan ng San Nicolas!

May panibago po tayong isasagawang pamamahagi ng discount vouchers sa araw ng Huwebes at Biyernes (Aug. 17 to 18, 2023) para sa ating mga magsasaka na puede nilang magamit ngayong wet season cropping upang matiyak ang ang napapanahong pagkakaroon ng kinakailangang pataba para sa produksyon ng palay.

Ang mga vouchers na ito ay ipamamahagi natin sa mga targeted na mga kwalipikadong benepisyaryo na gagamitin sa pagbili nila ng mga inorganic fertilizers, organic fertilizers, foliar fertilizers, biological fertilizers o biological stimulants sa mga accredited merchant.

Ang paggamit ng fertilizer voucher ay nag-aalok ng alternatibo sa mga magsasaka na may mas mababang purchasing power para makabili ng sapat na volume ng fertilizers na inirerekomenda para sa kanilang rice area.

Ang proyektong na inilunsad ng Department of Agriculture sa pakikipagtulungan ng ating lokal na pamahalaan sa pamamagitan nina Municipal Agriculturist, Engr. Cristopher Serquina, at Sangguniang Bayan head of the Committee on Agriculture, Jose SerquiΓ±a Jr.

ito ay naglalayong bigyang-daan ang mga magsasaka ng palay na madagdagan ang pangangailangan sa fertilizers para sa kanilang produksyon ng palay, upang mabawasan ang mga epekto ng inaasahang pagbaba ng produksyon, at upang patatagin ang sitwasyon ng suplay ng bigas sa bansa sa kabila ng mga hamon sa presyo ng komersyal mga pataba.

Ang mga discount vouchers ay para sa isang beses na paggamit lamang at maaaring i-claim sa alinmang accredited fertilizer merchant.

Ang schedule po ng ating distribusyon at ang bilang ng mga beneficiaries sa bawat targeted barangays ay ang mga sumusunod:

AUGUST 17 DISTRIBUTION (TOTAL OF 1,066)

Cabitnongan (73); Cacabugaoan (141); Calaocan (73); Casaratan (34); Nagkaysa (33); Nining (44); Poblacion East (82); Poblacion West (22); San Jose (99); San Roque (148); Siblot (57); Sobol (80); Sta. Maria East (82); at Sta. Maria West (91)

AUGUST 18 DISTRIBUTION (TOTAL OF 1,798)

Bensican (79); Cabuloan (102); Calanutian (71); Camangaan (65); Camindoroan (86); Dalumpinas (178); Fianza (107); Lungao (68); Malilion (138); Salingcob (108); Salpad (69); San Felipe East (184); San Felipe West (97); San Isidro (77); San Rafael Centro (86); San Raafel East (66); San Rafael West (130); and Sto. Tomas (87)

-πŒπ€π˜πŽπ‘ π€π‹πˆπ‚πˆπ€ 𝐋. ππ‘πˆπŒπˆπ‚πˆπ€π’-π„ππ‘πˆππ”π„π™

#PanibagongPamamahagiNgFertilizerVouchers

#ParaSaKwalipikadongMagsasakaNgSanNicolas

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon