Nagpapasalamat tayo dahil isa ang ating bayan sa nakaligtas sa mapaminsalang Bagyong Egay na nagdulot ng mga malalakas na pag-ulan sa ibat-ibang parte ng ating bansa.

Sa ating isinagawang paglilibot bilang parte ng Post Disaster Assessment and Needs Analysis ay nakita natin ang mga lugar sa ating bayan na dapat pa nating pag-ukulan ng pansin upang mas mahigitan pa natin ang ating paghahanda sa mga.bagyong kagaya nito.

Nananalig ako na sa ating pakikipagtulungan sa mga opisyales ng mga barangays kalakip ang pro-active na suporta ng ating kapulisan sa pangunguna ni 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐂𝐚𝐩𝐭𝐚𝐢𝐧 𝐆𝐞𝐨𝐫𝐠𝐞 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐲𝐨𝐬 na laging nandyan para umalalay sa atin at sa aktibong pamumuno ni 𝐒𝐢𝐫 𝐒𝐡𝐚𝐥𝐥𝐨𝐦 𝐆𝐢𝐝𝐞𝐨𝐧 𝐁𝐚𝐥𝐨𝐥𝐨𝐧𝐠 sa ating DRRMO ay mapapagtagumpayan natin ang mga pagsubok na katulad nito.

Kailian, higit sa lahat ay magpasalamat po tayo sa patuloy na awa at gabay ng ating Diyos para sa ating bayan at sa lahat ng San Nicolanians.

Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat 💓

~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒 -𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#PostDisasterAssessmentAndNeedsAnalysis

#SanNicolasPoliceStation

#SanNicolasMDRRMO

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon