Kamakailan ay bumisita po sa ating opisina ang mga kinatawan ng Provincial Awards Committee ng Local Legislative Award na pinangungunahan ni DILG Pangasinan Provincial Director Virgilio Sison kasama po ang ibang myembro ng Philippine Councilors League-Pangasinan Chapter katulad nina Councilor Aldrin Soriano ng Mangaldan at Councilor Maricon Vindy Operaรฑa ng San Nicolas.

Ang Local Legislative Award ay isang pamamaraan ng DILG sa pagkilala ng mga kapuri-puring kontribusyon ng mga lokal na lehislatura at bilang pagkilala sa napakalaking papel na ginagampanan nila sa lokal na pamamahala. Sinusuri sila sa larangan ng responsiveness ng mga legislative agenda na kanilang ipinapasa, availability ng legislative documents, effectiveness and efficiency of their performance, gayundin ang capacity development ng bawat miyembro ng Sangguniang Bayan.

Ang mga pamantayang ito ay naglalayong magbigay ng inspirasyon sa mga lokal na mambabatas na patuloy na gumawa ng mabuti at epektibong mga patakaran na hindi lamang tumutugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga lokalidad ngunit nakakatulong din sa pagsasakatuparan ng sama-samang pangmatagalang pananaw ng bansa.

-๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐€๐‹๐ˆ๐‚๐ˆ๐€ ๐‹. ๐๐‘๐ˆ๐Œ๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐’-๐„๐๐‘๐ˆ๐๐”๐„๐™

#LocalLegislativeAward

#ProvincialAwardsCommitteeVisitsSanNicolas

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon