Nagpapatuloy po ang tulong pinansyal na iginagawad natin sa ating mga kababayang nangangailangan sa pamamagitan ng Medical, Burial, at Shelter Assistance.

Nitong Abril 5 lamang ay namahagi po ang inyong lingkod ng P192,000 na 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 para sa 106 katao, P57,000 naman na 𝐁𝐮𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 sa 19 katao, at P12,000 𝐒𝐡𝐞𝐥𝐭𝐞𝐫 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 para sa 6 katao. Sa pamamahaging ito ay katulong ko po sina 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫𝐬 𝐀𝐦𝐨𝐫 𝐏𝐮𝐥𝐢𝐝𝐨, 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐞𝐥𝐢𝐭𝐨 𝐁𝐢𝐛𝐚𝐭, 𝐉𝐮𝐧 𝐒𝐞𝐫𝐪𝐮𝐢ñ𝐚, 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐃𝐞𝐬𝐜𝐚𝐫𝐠𝐚𝐫, at 𝐉𝐚𝐢𝐫𝐮𝐬 𝐃𝐮𝐥𝐚𝐲.

Ang tulong pinansyal na ating inihahatid sa ating mga kababayang nangangailangan ay regular po nating isinasagawa upang maibsan ang hirap at sakit na kanilang dinaranas sa panahon ng kanilang kawalan at sa gitna ng mga hamon sa buhay.

Asahan n’yo po na ang ating lokal na pamahalaan ay laging nakaantabay upang umalalay sa inyo sa ganitong panahon at pagkakataon.

–𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#TulongPinansyalSaSanNicolaniansNagpapatuloy

#MedicalAssistance#BurialAssistance#ShelterAssistance

#AlalayNgSanNicolasLGUsaNangangailangan

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon