Upang mas mapagyabong pa ang turismo at kabuhayan sa bayan, naglaan ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng apat na milyong piso para sa patuloy na pagsasaayos at rehabilitasyon ng Agpay Ecotourism Park.

Ang nasabing pondo ay ilalaan para sa gagawing bagong swimming pool na mayroong sariling pagkukunan ng tubig dahil umano sa hindi palagiang pagkakaroon ng tubig sa nasabing park.

β€œMaaaring matapos ang proyektong ito sa Hulyo at excited ako sa magiging outcome ng proyektong ito. Bilang income na rin ng LGU, nag-ask ako sa Sangguniang Bayan na magkaroon ng ordinansa sa pangongolekta ng maliit na environmental fee para sa pagpapanatili at pagkukumpuni sa Agpay,” ani Mayor Alice.

Ayon din sa alkalde, maaaring magtayo ng booths at souvenir shops na tutulong sa kabuhayan ng mga mamamayang San Nicolanians.

Inaasahang magkakaroon ng swimming lessons para sa mga estudyante ng elementarya kapag natapos ang proyekto na nakahanay sa End Drowning in San Nicolas program sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Bukod sa Agpay Ecotourism Park, dinarayo rin ng mga turista ang ipinadedeklara na ring tourist destination, ang Pinsal Agat Falls, na swak para sa mga hikers at β€˜adventure seekers”.

#AgpayEcotourismPark#PinsalAgatFalls#Rehabilitation#TouristDestination#EndDrowningInSanNicolas#BoostingLivelihood#BoostingTourism#AdventureSeekers

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon