Malaki ang pagkilala ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pagsasaka bilang pangunahing pinagkukunan ng pagkain kung kaya’t patuloy ang mga proyektong isinusulong ng bayan para rito.

Kamakailan, tumanggap ang Indigenous People of Puyao Baracbac Organization (IPPUBAO) ng rice mill mula sa pamahalaang lokal ngunit hindi natapos ang suporta sa kanila nang tumulong na rin si Mayor Alice sa pagpapatayo ng gusali para sa proyektong ito.

Nasa 30 metro kuwadrado (5 metro x 6 metro) at taas na tatlong metro ang nasabing gusali na matatagpuan sa Brgy. Fianza at inaasahang makatutulong sa nakararaming magsasakang miyembro ng indigenous people.

Bilang karagdagan, magpapaabot din ang Department of Labor and Employment ng mga gamit sa rice mill na ikinatuwa naman ng mga residente.

β€œMahalagang punan ang isa sa pinakamalalaking demand sa mundoβ€” ang pagkain. Hindi biro ang ginagawang sakripisyo ng mga kababayan nating magsasaka lalo na ang mga indigenous people na kabilang sa IPPUBAO kung kaya’t nararapat lamang na gumawa tayo ng mga proyektong magpapagaan sa kanilang trabaho,” saad ni Mayor Alice.

Ayon sa tala ng Municipal Library, nasa limang libong ektarya ang lupang agrikultural ng San Nicolas.

#RiceMill#Building#IPPUBAO#Farming#Agriculture#BackboneOfCountrysEconomy#DOLE#IndigenousPeople#MayorAlicePrimiciasEnriquez#MayorAlicePrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon