Hindi matatawaran ang pagmamahal ni 𝟔𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐰𝐨𝐦𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬 sa mga mamamayn ng San Nicolas dahil sa patuloy nitong pag-alalay at pagsuporta sa mga pangangailangan lalong-lalo na ng mga komunidad na hikahos sa mga pangunahing utilities katulad ng supply ng potable water o maiinom na tubig.

Bago lamang ay biniyayaan po tayo ni Congw. Len ng P20 Million worth na proyekyong Solar Potable Water System para sa Brgy. San Felipe East at Brgy. San Felipe West.

Alam po natin kung gaano kahirap ang supply ng potable water sa dalawang barangay na ito ng ating bayan kaya’t lubos ang ating pasasalamat sa pagtugon ng ating butihing congresswoman sa ating kahilingan upang mabibiyayaan na ng maayos na supply ng potable water ang ating mga mamamayan sa mga barangays na ito.

Nagpapasalamat din po tayo sa tulong ng 𝐃𝐏𝐖𝐇, mga opisyales na Barangay Council na pinamumunuan ni 𝐊𝐚𝐩 𝐑𝐨𝐦𝐞𝐥 𝐂. 𝐁𝐢𝐥𝐨𝐠 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐩 𝐄𝐝𝐢𝐭𝐡𝐚 𝐅. 𝐁𝐢𝐛𝐚𝐭, gayundin ang pamunuan ng 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬 𝐖𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 sa kanilang pakikipagtulungan para sa proyektong ito. Sa isinagawang pagpupulong upang maliwanagan ang lahat sa proyektong ito ay sinamahan din po tayo nina 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐥𝐯𝐢𝐧 𝐁𝐫𝐚𝐯𝐨, 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐞𝐥𝐢𝐭𝐨 𝐁𝐢𝐛𝐚𝐭 𝐚𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐍𝐨𝐫𝐦𝐚𝐧𝐝𝐲 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬.

Bagama’t may kamahalan ang Solar Potable Water System kesa sa conventional water pump ay mas kapakipakinabang ito ng mas matagalan dahil wala ng babayaran sa konsumo ng kuryente at mababa rin ang gastos sa maintenance nito.

Gumagana ang solar-powered water pump sa pamamagitan ng pag-convert ng mga sinag ng araw sa kuryente na magpapatakbo sa water pump nito. Gumagamit ito ng mga solar panels upang kumulekta ng liwanag mula sa sikat ng araw na magbibigay naman ng enerhiya para sa motor nito upang magbomba ng tubig.

We are hoping and praying na mai-schedule na ng DPWH ang kinakalangang construction sa paglalapat nito upang maihandog na natin ang masaganang supply ng isang malinis na maiinom na tubig para sa Brgy. San Felipe East at Brgy. San Felipe West.

-𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#20MillionPotableWaterSystemForSanNicolas

#ThankYouSoMuchCongwMarlynPrimiciasAgabas

#ProyektongHatidParaSaMamamayanNgSanNicolas

#TuloyTuloyNaProyektoParaMamamayanNgSanNicolas

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon