Malugod po naming ibinabalita sa lahat na sumailalim po ang ating bayan sa national validation para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) matapos itong ituring ng DILG na malinis at handa at isa sa mga LGU passers mula sa Region 1 para sa 2023 SGLG at dahil dito ay nabibilang na ang ating bayan bilang isa sa mga potential passers o qualifiers para sa SGLG ngayong taon.

Ang SGLG ay isang parangal, insentibo, karangalan at programa ng DILG bilang pagkilala para sa lahat ng mga LGUs na patuloy na umuunlad at nagpapabuti ng pagganap nito sa larangan ng transparency at pananagutan sa paggamit ng pampublikong pondo, paghahanda para sa mga hamon na dulot ng mga sakuna, pagiging sensitibo sa mga pangangailangan ng mga mahihina at marginalized na sektor ng lipunan, pagpapatupad at pagpapatuloy ng mga patakaran at programa na magpapalakas at magtataguyod ng kagalingan, malusog na pamumuhay at kaligtasan ng publiko, pamumuhunan at pagsulong ng trabaho, proteksyon ng nasasakupan mula sa mga banta sa buhay at pinsala sa ari-arian at pangangalaga sa integridad ng kapaligiran.

Sa ganitong pagkilala, ang mga LGU ay hinihikayat na gumawa ng higit pang paghahanda at pagsumikapan pa ang pagtataguyod ng pangkalahatang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan at sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas.

Kabilang sa highlights ng validasyon pong ito ang assessment ng mga initial results, observations, at cross-posting reviews upang mabuo na ng DILG kung anong mga LGUs sa buong bansa ang maka-qualify sa prestihiyosing parangal na ito. Bilang validators ay kasama po natin sina 𝐋𝐆𝐎𝐎 𝐕𝐈 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐞𝐥 𝐒. 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐚𝐠 mula sa Region 2 at 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐫 𝐂𝐚𝐥𝐯𝐢𝐧 𝐍𝐨𝐥𝐥𝐢𝐞 𝐉𝐮𝐥𝐢𝐮𝐬 𝐁. 𝐋𝐮𝐛𝐫𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐃𝐈𝐋𝐆.

Kailian, samahan n’yo po kami sa ating panalangin na masungkit natin ang award na ito bilang katibayan ng ating pagsusumikap na maihandog sa ating bayan at mga kababayan ang tamang serbisyo na nararapat sa lahat ng ating mga nasasakupan.

Maraming, maraming salamat po at isang mapagpalang umaga po sa ating lahat 🙏🙏

-𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#SanNicolasUndergoesNationalValidationForSGLG

#MovingCloserForThe2023SGLGAward

#PracticeOfTransparencyAndAccountability

#PreparednessForChallengesPosedByDisasters

#SensitivityToTheNeedsOfVulnerableSectors

#SustenanceOfPoliciesAndProgramsForPeoplesWellBeing

#PromotionOfHealthyLifestyleAndPublicSafety

#InvestmentAndEmploymentPromotion

#ProtectionFromThreatsToLifeAndDamageToProperty

#SafeguardingTheIntegrityOfTheEnvironment

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon