Wala pong pinipiling araw ang pagseserbisyo natin para sa mga mamamayan ng San Nicolas kaya kahit wala pong pasok ay patuloy ang paghahatid natin ng tuwa at saya sa ating mga minamahal na kababayan. Itong nakalipas na araw ng Linggo ay pinasaya natin ang ating mga Senior Citizens sa pamamagitan ng Libreng Eye Care Check-Up at Consultation sa pakikipagtulungan ng aking kapatid na si 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐰. 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬 at ni 𝐃𝐫𝐚. 𝐂𝐡𝐞𝐫𝐲𝐥 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐧𝐜𝐡𝐨 𝐃𝐞 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬 ng Pangasinan Eye Center.
Ramdam po namin ang mga hamon at problema na kinakaharap ng mga nakakatanda nating mga kababayan kaya’t ginagawan po natin ito ng paraan upang masolusyunan. Nawa sa mga munting proyekto na katulad nito ay maramdaman n’yo ang aming pagmamahal sa inyong lahat.
Maraming, maraming salamat sa suportang hatid ng mga staff ng 6th Congressional District, staff ng Pangasinan Eye Center, at sa mga staff ng San Nicolas Mayor’s Office upang matagumpay na maisakatuparan ang paglulunsad ng programang ito sa ating bayan.
Sa 510 po na nagparehistro ay nakapag-alay po tayo ng 129 na refraction, nakapagbigay ng 180 reading glasses, 164 cataract check-up, at isang financial assistance.
Dios ti agngina!
~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙
#EyeCareCheckUpAndConsultation
#ForSeniorCitizensOfSanNicolas
#SerbisyoPublikoKahitArawNgLinggo
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride