Bilang pasasalamat sa mga volunteer groups sa ating bayan na palagi nating kaagapay sa pagbibigay ng serbisyo sa ating mga mamamayan ay nagbigay po tayo ng tulong pagmamahal sa kanila sa pamamagitan ng pag-alay ng raincoat at flashlight. Isa sa mga grupong nabigyan natin ay ang 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 𝐧𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐧𝐮𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐏𝐚𝐬𝐭𝐨𝐫 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝐓𝐮𝐦𝐛𝐚𝐠𝐚.

Hindi matatawaran ang hatid na serbisyo at sakripisyo ng ating mga volunteer groups na katulad ng Kabayan Action Group kaya nararapat lamang na sila din ay ating suportahan sa pamamaraang kaya ng ating lokal na pamahalaan.

Nawa sa munting tulong na ito para sa kanilang grupo ay maramdaman nila ang ating pagmamahal at pasasalamat dahil sa napakalaking papel nila sa ating patuloy na pagbibigay serbisyo sa mamamayan ng San Nicolas.

Maraming, maraming salamat po. Saludo po kami sa inyo! 🫡

-𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#PasasalamatParaSaKabayanActionGroup

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon