Kailian, isang karangalan ng ating bayan na ang Brgy. Malico ay mahirang na “𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙎𝙪𝙢𝙢𝙚𝙧 𝘾𝙖𝙥𝙞𝙩𝙖𝙡 𝙤𝙛 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙨𝙞𝙣𝙖𝙣” kaya naman minabuti nating ayusin at pagandahin ang bukana nito upang maging mas kaaliw-aliw sa mga bisita at turista bilang isa sa mga kinikilalang tourism destinations sa lalawigan ng Pangasinan.

Bagama’t malayo ito sa sentro ng ating bayan ay hindi ito hadlang upang ating kalingain at patuloy na pagyamanin ang destinasyong ito dahil naniniwala tayo na katulad ng ibang barangay sa ating bayan ay importanteng parte ito ng Bayan ng San Nicolas, hindi lamang dahil narito ang sentrong pamayanan ng ating mga kapatid na katutubo kundi dahil sa hatid na yaman nito sa ating kultura maging sa kasaysayan ng ating bansa.

Halina, ating bisitahing muli ang pinakamalayong barangay ng ating bayan at ating ipagmalaki ang yamang ibinayaya sa atin ng Maykapal.

-𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#BrgyMalicoOurBarangayOurTourismPride

#TheSummerCapitalOfPangasinan

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon