Labis ang pasasalamat ng West Central School SPED Center (WCSSC) kay Mayor Alice at sa pamahalaang lokal ng San Nicolas dahil sa ipinagkaloob nitong extended canopy sa stage ng nasabing paaralan.

โ€œNaging agaran ang pagtugon ni Mayor Alice sa aming pangangailangan sa eskuwelahan. Mula sa needs assessment hanggang matapos ang proyekto ay hands-on siya kaya mula sa amin kasama ang Parents Teachers Association, nais naming ipaabot ang aming pasasalamat sa kaniya,โ€ ani ni ๐Œ๐š’๐š๐ฆ ๐‹๐ข๐ฅ๐ข๐›๐ž๐ญ๐ก ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ, principal ng WCSSC.

Ang 172.48 sqm na canopy ay malaking tulong bilang pangharang sa matinding sikat ng araw maging sa ulan tuwing ginagamit ito sa mga aktibidad sa eskuwelahan.

โ€œMagpapatuloy ang suporta ng LGU San Nicolas sa bawat paaralan sa ating bayan upang mas lalo pang mahikayat ang mga mag-aaral na paghusayan ang kanilang pag-aaral at upang maramdaman ng mga guro at magulang na kaisa kami sa adhikaing mahubog ang mga kabataang pag-asa ng bayan,โ€ saad ng alkalde.

Matatandaang ginawaran si Mayor Alice ng Pangasinan Division II bilang ๐Ž๐ฎ๐ญ๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐’๐ญ๐š๐ค๐ž๐ก๐จ๐ฅ๐๐ž๐ซ ๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง dahil sa kaniyang natatanging kontribusyon sa sektor ng edukasyon.

#ExtendedCanopy#WestCentralSchoolSPEDCenter#WishGranted#SupportToEducationSector#ParaSaMgaBatangMagaaral#ParaSaBayan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon