Maraming pagkakataon–katulad nitong Martes–na ang mga trabahong hindi natatapos sa aking opisina ay kailangang dalhin sa bahay upang ito ay maaksyunan dahil ang pagkaantala ng anumang mga papeles sa Mayorβs Office ay kahulugan din ng pagkaantala ng serbisyo para sa ating mamamayan.
Maliban pa sa mga intindihing papeles na katulad nito ay punong-puno din ang schedule ng isang alkalde na katulad ko ng mga appointments na kailangan ding harapin sa araw-araw.
Sa partikular na araw nga pong ito ay maaga pa tayong nakipagpulong sa Municipal Advisory Committee sa Municipal Training Center upang pagusapan ang mga mahahalagang bagay katulad nga ng mga isinasagawang implementasyon ng ibat-ibang programa at proyekto para sa ating mga mamamayan. Nakipagmeeting din tayo sa grupong Annak Ti San Nicolas, APPLI, at sa ating Municipal Engineer. Tinanggap din natin sa ating opisina ang grupo ng Islamic Guidance Center na pinangungunahan ni Mr. Madid Al Forqan from San Jose sa kanilang courtesy call ngayong araw. Maliban dito ay nagkaroon din tayo ng MOA signing with City Savings Bank at SSS at nangasiwa rin sa oathtaking ng SK kagawad ngayong araw.
Kailian, sadyang napakaraming trabaho ngunit naniniwala tayo na ang mga trabahong ito ay part and parcel para sa ikagaganda, ikauunlad, at ikabubuti pa ng ating bayang San Nicolas.
~πππππ ππππππ π. πππππππππ-ππππππππ
#WorkWorkWorkForABetterSanNicolas
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride