Hindi maitago ang saya ng mga batang mag-aaral nang mismong si Mayor Alice na ang bumisita at pormal na pinasinayaan ang bagong pintura at gawang kisame at floor tiles ng Cabitnongan Euphorbia Child Development Center.

Ang 148.30 metro kuwadradong proyektong ito ay isa lamang sa hindi mabilang na construction at renovation projects ni Mayor Alice sa lahat ng child development centers sa buong bayan ngayong taon.

โ€œMaaliwalas, komportable, at masasabi kong safe learning space ang center kaya hindi ko masising laging excited pumasok ang aking anak. Sino ba naman ang hindi gaganahang mag-aral sa napakagandaโ€™t napakaayos na child development center?โ€ pahayag ng isa sa mga magulang.

Sa kaniyang pagbisita, bumungad kay Mayor Alice ang mga batang mag-aaral na nakasuot ng kanilang uniporme kasama ang kanilang mga magulang at si ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ ๐‹๐จ๐ข๐๐š ๐„๐ฌ๐ช๐ฎ๐ข๐ฏ๐ž๐ฅ; nagpasalamat sila dahil naging โ€œlearner-friendlyโ€ and โ€œconducive to learningโ€ ang nasabing center.

Nangako naman si Mayor Alice na patuloy niyang palalakasin ang mga programa at proyektong pang-edukasyon sa buong bayan upang mas maitaas ang kalidad ng edukasyon at maging handa ang mga batang mag-aaral sa mas maraming kakaharapin nila sa pag-aaral at sa buhay.

Nagpasalamat din ang alkalde sa mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kaniyang adhikain para sa mga batang San Nicolanian.

#CabitnonganChildDevelopmentCenter#CeilingInstallationwithPaint#FloorTiles#LearnerFriendly#BansangMakabata#BatangMakabansa#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon