Upang ipaalam sa 25 na bagong iskolars ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kahalagahan ng programa sa pagsasanay sa pagbibigay ng mga oportunidad at kasanayang mahalaga para sa trabaho, sumailalim ang ikalawang batch ng iskolars sa Training Induction Program.

Ang mga magsasanay ay inorient sa pangunguna nina Neressa M. Ragasa, TESDA specialist at Sir Higino A. Villar III, TESDA trainer at assessor. Nakatuon ang orientation sa programa ng pagsasanay, sa mga benepisyo nito, at sa kanilang mga responsibilidad nila bilang benepisyaryo.

Sasailalim sa 18 araw na training ng Bread and Pastry Production ang lahat ng scholars sa San Nicolas, Pangasinan Training and Assessment Center.

Kasama ni Mayor Alice sa nasabing programa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Alvin Bravo.

Samantala, hinikayat ni Mayor Alice ang 25 trainees na gamitin at i-apply ang kanilang matutunan upang sa gayon ay makatulong sila sa pagpapaunlad ng bayan ng San Nicolas.

#TESDATrainingInductionProgram

#SanNicolasPangasinanTrainingAndAssessmentCenter#BreadAndPastryProduction#SaTESDALingapAyMaaasahan#TESDAAbotSalahat#BreadAndPastryNCII#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyhomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon