Upang suportahan ang mga pangangailangan sa pag-unlad ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na maunawaan ang mga hamon sa pag-unlad na kanilang kinakaharap sa yugto ng buhay na ito, sumalang ang mga Grade 12 student na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno sa Youth Development Session.
Tinalakay sa nasabing sesyon ang ukol sa programang 4Ps, mga karapatan at responsibilidad ng mga mag-aaral bilang mga miyembro ng 4Ps pati na ang paglinang ng kanilang self-awareness.
Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas at Department of Social Welfare and Development, naging matagumpay ang development session na layong bumuo ng isang positibong pag-iisip sa mga kabataang kalahok at makitaang isang mas maliwanag na kinabukasan para sa kanilang sarili at kanilang mga pamilya.
Samantala, hinikayat naman ni Mayor Alice ang mga estudyante na pahalagaan ang kanilang mga mapupulot na mga kaalaman at paghusayan pa lalo ang kanilang pag-aaral.
#YouthDevelopmentSession#SelfAwareness#PantawidPamilyangPilipinoProgram#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride